Bulacan State University - Sarmiento Campus

Tungkol sa ENROLLMENT - 1st Sem. A.Y. 2020-2021

Mga Karaniwang Katanungan (Frequently Asked Questions)


1. ANO ANG PRE-ENROLLMENT?

2. HINDI NGA BA FACE TO FACE ANG ENROLLMENT?

3. KAILAN ANG ADVISING AT ASSESSMENT?

4. HANGGANG KAILAN ANG PRE-ENROLLMENT, ADVISING AND ASSESSMENT?

5. PAANO ANG ONLINE ENROLLMENT NG OLD REGULAR STUDENTS?

6. PAANO ANG ONLINE ENROLLMENT NG OLD IRREGULAR STUDENTS?

7. PAANO MAG ENROLL ANG NEW STUDENTS AT FRESHMEN?

8. PAANO PAG MAY KAILANGAN BAYARAN SA CASHIER?

9. PAANO MAGSUBMIT NG REQUIREMENTS ANG MGA NEW STUDENTS?

10. PAANO SASAGUTIN ANG MGA KATANUNGANG HINDI PA NABANGGIT DITO?






1. ANO ANG PRE-ENROLLMENT?

Ang pre-enrollment ay ang STEP 1 sa enrollment process ng mga old students ng External Campuses

Kailangan po i-access ang Google Form sa BulSU Website gamit ang link na ito:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfCQ00Zg61A-Bg0LODiuMFQ0Rp490I-po9-s8CRm7o41xcIDg/viewform?fbclid=IwAR0T1Rg_w7qVQNPn1GeSbX72TroTzpDpT68lntc9ekmGJtASv6PFkT1S-3U

Kailangan ma-fill up ng students ang pre-enrollment form para po malaman ng class adviser kung sino ang mga regular at irregular students
nang ma-advise at ma-assess sila ng kanilang Class Adviser simula August 10, 2020 sa Sarmiento Campus hanggang September 4, 2020.



Go back to top

2. HINDI NGA BA FACE TO FACE ANG ENROLLMENT?

Hindi po face to face ang enrollment kung kaya naman ang mga estudyante ay hindi kailangang lumabas at magpunta sa campus. Ang Class Advisers ang mag-aadvise at mag-aassess sa kani-kanilang mga advisees ayon sa itinakdang schedule (August 10, 2020 – September 4, 2020)

Go back to top

3. KAILAN ANG ADVISING AT ASSESSMENT?

Ang advising at assessment para sa old students ay gagawin ng Class Advisers simula August 10, 2020. Dahil sa kalalabas pa lamang na direktibang may kinalaman sa MECQ, pinapayuhang maghintay ng iba pang pagbabago hinggil sa schedule na nabanggit.

Inuulit po, Class Advisers ang kikilos para sa advising at assessment ng kani-kanilang mga advisees kaya walang pangangailangan na lumabas ng bahay ang mga estudyante para lamang mag-enroll. Ang tangi lang siguruhin ng mga mag-aaral ay ang makipag-ugnayan sa kanilang adisers hinggil sa bagay na nabanggit.

Go back to top

4. HANGGANG KAILAN ANG PRE-ENROLLMENT, ADVISING AND ASSESSMENT?

Ang Pre-enrollment po ay dapat maisagawa ng mag-aaral mula August 3 hanggang August 7, 2020 lamang. Dapat po, nakapagfill-up na ang mga old students sa pre-enrollment form sa loob ng nasabing mga araw upang agad na makapag-evaluate/advise at assess ang mga Class Advisers ayon sa nakatakdang schedule.

Go back to top

5. PAANO ANG ONLINE ENROLLMENT NG OLD REGULAR STUDENTS?

STEP 1: Access the BulSU Website

Kailangan po i-access ang Google Form sa BulSU Website gamit ang link na ito:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfCQ00Zg61A-Bg0LODiuMFQ0Rp490I-po9-s8CRm7o41xcIDg/viewform?fbclid=IwAR0T1Rg_w7qVQNPn1GeSbX72TroTzpDpT68lntc9ekmGJtASv6PFkT1S-3U

STEP 2: Academic Evaluation/Assessment

Ang enrollment/class adviser ay ii-evaluate manually ang estudyante base sa kanyang Student Evaluation file mula sa Student Records galing sa system.

STEP 3: Release of COR

Kung TES Scholar, kailangan makipag-communicate sa Scholarship Office sa main campus. Pagkatapos nito, ang COR ay i-email sa estudyante.

Kung hindi TES Scholar, ang Certificate of Registration (COR) ay ipapadala sa email address ng estudyante.

Go back to top

6. PAANO ANG ONLINE ENROLLMENT NG OLD IRREGULAR STUDENTS?

STEP 1: Access the BulSU Website

Kailangan po i-access ang Google Form sa BulSU Website gamit ang link na ito:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfCQ00Zg61A-Bg0LODiuMFQ0Rp490I-po9-s8CRm7o41xcIDg/viewform?fbclid=IwAR0T1Rg_w7qVQNPn1GeSbX72TroTzpDpT68lntc9ekmGJtASv6PFkT1S-3U

STEP 2: Academic Evaluation/Assessment

Ang enrollment/class adviser ay ii-evaluate manually ang student base sa kanyang Student Evaluation file mula sa Student Records galing sa system.

Ung mga regular subjects lamang sa 1st Sem ang pwedeng isama sa Advising/Assessment Procedure.

STEP 3: Release of COR

Kung TES Scholar, kailangan makipag-communicate sa Scholarship Office sa main campus. Pagkatapos nito, ang COR ay i-email sa estudyante.

Kung hindi TES Scholar, ang Certificate of Registration (COR) ay ipapadala sa email address ng estudyante.

STEP 4: Para po sa mga may additional subjects or sa mga irregular students na kailangan mag-add ng subjects, dapat ay nai-fill up na sa pre-enrollment form ang mga subjects na gusto nyo i-add.

Ang mga subjects na gusto i-add ay kailangan pa i-approve ng Dean at Registrar.

Kapag na-approve na ang subjects na gusto i-add, ang Assessment Billing Form ay ipapadala sa email ng estudyante.

Kung may kailangan bayaran, tingnan ang No. 8.

Pagkatapos magbayad, ipapadala sa email ng estudyante ang pagbabago sa na-enrol kasama na ang mga na-add na subjects.

Pinapayuhan po ang mga irregular students na i-inform din ang mga enrollment/class advisers kung ano ang mga subjects na nais nilang ipadagdag. Mangyaring sumangguni sa grade evaluation upang magkaroon ng basehan sa mga maaring idagdag na subjects at banggitin sa mga nakatalagang enrollment/class advisers.

Go back to top

7. PAANO MAG ENROLL ANG NEW STUDENTS AT FRESHMEN?

STEP 1: Mag log-in sa www.bulsu.edu.ph at hanapin ang pangalan sa BulSU Qualifiers List per campus.

STEP 2: I-click ang Survey link via Google Form.

I-fill up ang form at i-attach ang mga supporting documents.

STEP 3: Releasing ng Certificate of Registration (COR). Ang Certificate of Registration (COR) ay ipapadala sa email ng student.

Go back to top

8. PAANO PAG MAY KAILANGAN BAYARAN SA CASHIER?

Kung meron po na kailangang i-settle na bayarin, kailangang magpaschedule sa Cashier gamit ang google form na i-provide sa August 10, 2020. May Google Form po na i-fill up ang student para makapagpa-schedule.

Hintayin po ang text message ng Cashier kung kailan i-schedule para magpunta sa campus at magbayad ng fees.

Nais pong ipaalala na hindi pwedeng lumabas ang estudyante kung below 21 years old. Dapat po ay parent/guardian ang magprocess ng payment sa campus.

Go back to top

9. PAANO MAGSUBMIT NG REQUIREMENTS ANG MGA NEW STUDENTS?

Ang mga freshmen ay kailangan magsubmit ng requirements na selyadong nakalagay sa isang long brown envelope at ito ay i-submit sa Registrar's Office ng Sarmiento Campus (kung sa Sarmiento Campus mag-enroll ang new student).

Muli pong ipaalala na hindi pwedeng lumabas ang estudyantekung below 21 years old. Dapat po ay parent/guardian ang magprocess ng payment sa campus.

Huwag kalimutang isulat ang COMPLETE NAME and COURSE sa harapang bahagi ng long brown envelope.

Kung may katanungan tungkol sa pagpasa ng mga requirements, maaring mag-email sa:

registrar.sarmiento@bulsu.edu.ph

Maari ring mag-message o maging updated sa facebook page:

https://www.facebook.com/BulSUSarmientoStudentAffairs/

Go back to top

10. PAANO SASAGUTIN ANG MGA KATANUNGANG HINDI PA NABANGGIT DITO?

PAGLILINAW:

Ang mga iskedyul na nabanggit ay maari pang mabago ayon sa mga kasalukuyang kaganapan na may kinalaman sa COVID 19 Pandemic at iba pang kalagayang itinakda/itatakda ng National at Local Government, IATF, CHED, ng mismong Unibersidad at iba pang mahahalagang sangay ng pamahalaan.

Para sa iba pang katanungan, maaring mag-message or maging updated sa facebook page:

https://www.facebook.com/BulSUSarmientoStudentAffairs/

Go back to top